Sa Carry-On method na ginagamit ng DepEd Albay, ang DistCF (District Consolidator File) ay nakakatulong sa pag generate/ pag gawa ng District Consolidated Nutritional Status Reports mula sa mga final reports (MSCF) ng lahat ng Elementary schools ng district.
Kapag ready na ang lahat ng mga MSCF, maari ng gumawa ng consolidated report for the district level. Ang Target Users ng District Consolidator File ay ang mga District Nurses. Gawa ng Nurse ❤️ Para sa Nurses.
Ang tanong: Gaano naman kaya katagal ang pag consolidate nung mga school reports? Isang minuto? Isang oras? Isang linggo? Isang buwan? 😅
Tara... alamin natin! Simulan natin sa paglagay sa folder ng mga final MSCF na gagawan ng consolidated report hanggang sa makagawa na ng report gamit ang version 3.2 ng District Consolidator File.
Maaring mas maikli pa or mas matagal ang processing time na makuha mo depende na po yan sa kung ilan ang school files na ipaprocess mo at cyempre sa specs nung computer na gamit mo.
Ang specs nung laptop na ginamit ko sa pag prepare nung district consolidated report ay Ryzen 7 4800H CPU, 32GB RAM, Windows 11 OS, may naka install na Excel 365 with most recent update from Microsoft.