Sa Carry-On method na ginagamit ng DepEd Albay, ang DistCF (District Consolidator File) ay nakakatulong sa pag generate/ pag gawa ng District Consolidated Nutritional Status Reports mula sa mga final reports (MSCF) ng lahat ng Elementary schools ng district.
Sa video na ito, idi-demonstrate ko po ang mga sumusunod:
1. Paano gumawa / mag-generate ng District Consolidated Nutritional Status (NS) Reports mula sa mga final MSCF ng lahat ng Elem schools ng District.
2. Paano i-upload ang ginawang Consolidated District Report sa online Google Drive repository ng DepEd Albay SHNU.
Ang target users po nito ay ang mga District Nurses. Sa tulong ng DistCF, napakadali na lang gumawa ng mga NS-related reports. Unlike sa old system of doing things, sa DistCF ng Carry-On method, walang bubuksan na kahit isang school file, walang gagawing copy-paste ng data. Pipindot na lang ang end-user ng buttons at makakagawa na ng reports. Napakadali lang talagang gamitin. Gawa ng Nurse ❤️ Para sa Nurses.
Paki pause na lang po ang video kung medyo mabilis ang instructions. Paki view na lang po in 1080p full screen mode kung medyo naliliitan kayo sa mga letra.
Naglagay po ako ng mga Closed Captions in Tagalog-English para maintindihan po ng lahat na interesado kung pano gawin ang mga bagay bagay na may kinalaman sa DistCF Carry-On file.
Sana po ay makatulong ang video tutorial na ito sa inyo. Salamat po. 🙏🏼