Sa Carry-On method na ginagamit ng DepED Albay, ang Template for Class Advisers (TfCA) an magsisilbing 'draft' bago makagawa ng final Baseline or Endline Nutritional Status Report ng school (MSCF). Ang TfCA ay merong mga essential ribbon tools para maging madali ang pag trabaho sa dataset ng mga learners.
Sa video na ito, ipapakita / idi-demonstrate po natin ang mga sumusunod:
1. Para saan ang 'Move Up' feature/ tool ng TfCA.
2. Paano gamitin ang 'Move Up' feature/ tool ng TfCA.
3. Ano ang mga dapat tandaan sa pag gamit ng 'Move Up' feature/ tool.
4. Paano mag tanggal sa class list ng mga nag transfer out ng learners (Clear Learner)
5. Paano maglipat ng learner's dataset sa ibang section sheet (Copy or Paste Learner)
6. Paano mag dagdag/ mag-add sa class list ng mga nag transfer in na learners
7. Paano mag conveniently sort ng mga names ng learners sa class list (Alpha Male)
8. Paano i-process ang existing (non-blank) Endline TfCA para magamit na initial template sa pag prepare ng Baseline TfCA.
Lahat po yan ay kailangan sa pag prepare ng Baseline Nutritional Status Report ng Elementary Schools under DepEd Albay Division.
Ang target user po natin dito ay ang mga District Nurses, School Health Coordinators, Clinic Teacher or kung sino man ang naka assign sa pag prepare ng Nutritional Status Report.
Paki pause na lang po ang video kung medyo mabilis para sa inyo. Paki view na lang po in 1080p full screen mode kung medyo naliliitan kayo sa mga letra. Naglagay po ako ng mga Closed Captions in Tagalog and English para maintindihan po ng lahat na interesado sa wonderful things na kayang gawin ng automation file na ito.
Sana po ay makatulong ang video demo sa inyo. Salamat po. 🙏